Switch Mode

[EDITORIAL] Gaza war: Ang walang-katapusang giyera


This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Sa anibersaryo ng simula ng sigalot — hinaharap ng buong mundo ang extinction ng isang bansa

Isang taon na mula nang sumabog ang karahasan sa pagitan ng Hamas at Israel noong October 7, 2023. 

Lagpas 41,000 na ang nasawi sa Gaza. Sa 200 hostages ng Hamas na dinala sa Gaza, hindi pa rin napapalaya ang 101 hostages — kung saan 34 ang tinatayang namatay na. 

Gaza, Palestine, Israel

Walang naaaninag na pag-asang magkakaroon ng isang ceasefire sa lalong madaling panahon. Sa katunayan, kumalat na sa rehiyon ang sigalot. Lebanon naman ang bino-bombard ng Israel ng air strikes. Nitong Oktubre 1, nagpaulan na rin ng missiles ang Iran sa Israel bilang pagganti sa pag-atake sa Lebanon at asasinasyon ng mga lider ng Hezbollah at Hamas.

Malalim ang hidwaan sa pulitika sa Israel at nagkakaisa ang observers na nakapagkonsolida ng kapangyarihan si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na bago ang November 7, 2023 ay papalubog na ang political star.

Umuugong sa buong mundo ang hidwaan sa Gaza: malaking frustration ng mga millennial at GenZ voter laban sa Biden-Harris administration ang pagkanlong ng US sa Israel. Dahil sa Gaza, naagaw ang atensiyon sa isa pang milestone war ng henerasyong ito, ang Ukraine-Russia war.

Nitong Oktubre 6, libo-libo ang nagprotesta sa buong mundo at nangalampag na itigil na ang pagdanak ng dugo sa Gaza.

Tila breaking-point ang Gaza ng rules-based international order. Habang lantarang binabastos ng Israel ang international bodies tulad ng UN, nahuhubaran din ang double standard at hypocrisy ng mga bansa tulad ng United States na dapat ay nagtataguyod ng international order na ito. 

Tila inutil ang mga alyado ng Israel na pasunurin si Netanyahu sa kabila ng paulit-ulit na banta ng sanction. Walang pangil at non-binding ang resolusyon ng UN na lumayas ang Israel sa Gaza sa loob ng 12 buwan. “In tatters” man ang internasyonal na reputasyon ng Israel — tila wala itong pakialam.

Sabi ng political analyst na si Ezra Klein ng New York Times, nang nagpunta raw siya sa Israel at sa West Bank, nasaksihan niya ang mga kuwento ng tao sa magkabilang-panig na “contradictory, irreconcilable.” Sa kabila nito, nakadama siya ng malalim na simpatiya sa narrative ng magkakatunggali.

Ganyan ang giyera, contradictory, irreconcilable. 

At sa harap ng mga nagbabanggaang katotohanan, mabigat sa konsiyensiya ng buong mundo ang endless war sa Gaza. Hindi na magtatagal ang mga taga-Gaza sa walang katapusang evacuation. Hindi na kakayanin ng mga pamilya ang walang katapusang pambobomba sa shelters, eskuwelahan, at ospital, dahil pugad umano ito ng mga Hamas. Hindi na kakayanin ng ang gutom, malnutrition, kawalan ng malinis na tubig, kawalan ng gamot at healthcare. Tila kapos na kapos ang terminong “humanitarian crisis” upang isalarawan ang karimlang hinaharap ng mga tao roon.

Habang abala ang mga lider ng Estados Unidos at ilang mapagpasyang mga bansa sa Europa sa kani-kanilang political survival — nagliliyab ang internecine war sa Gaza — at parang virus na na-infect na rin ang Lebanon.

Sa harap ng nag-e-escalate na situwasyon, lalo pang nagiging malayong pangitain ang kapayapaan sa Middle East. Pero higit kailanman, dapat itong pagsikapan, lalo na ng chief armorer ng Israel na Estados Unidos.

Sa gitna ng giyera, marami nang mga bansang kumikilala sa isang Palestinian State. ‘Yan ang malaking kabalintunaan — habang dumarami ang kumikilala, nalulupol ang mga mamamayan ng Palestine.

Sa anibersaryo ng simula ng sigalot — hinaharap ng buong mundo ang extinction ng isang bansa. Dahil kaunti na lang, mawawalan na ng will to live o kagustuhang mabuhay ng mga taga-Gaza. O di kaya’y lalo pang lolobo ang recruitment ng Hamas. – Rappler.com 



Source link

Recommendations

PhilstarLIVE – Philstar.com October 10, 2024 | 9:20am MANILA, Philippines — The Philippine Institute of Volcanology and Seismology raised on June 3 the status of Kanlaon Volcano on Negros Island to Alert Level…

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *