Switch Mode

Aktres, tinanggihang balikan ng ex


Sey ng mga mahahaba ang dila, hiwalay na raw ang aktres na ito sa kanyang non-showbiz na dyowa.

Never naman kasing idinisplay ni actress ang kanyang nobyo.

Ang tsika, ginamit lang daw ni actress na ‘rebound’ ang boyfriend.

Hindi pa raw kasi nakakapag-move on si actress sa hiwalayan nila ng kanyang ex.

Bitter-biterran pa rin ang drama nito lalo pa’t may bago nang kulukadidang ang kanyang former partner.

Nangulit din daw si aktres na makipagbalikan sa kanyang ex.

Ang troot, mahal pa rin ni aktres ang ex kaya willing itong lunukin ang kanyang pride.

Ang kaso, tinanggihan daw ng kanyang ex na isa ring celebrity ang pakikipagbalikan sa kanya.

Sobra raw kasing inlababu si aktor sa kanyang bagong partner.

Sa kaso ng aktres, dumating din daw sa puntong kinausap sila ng magulang ng nasabing aktres para balikan ang kanilang anak, pero hindi nangyari ang lahat dahil nanindigan itong tapos na sila ng naturang actress.

Sino ang nag-ampalayang actress na ito na tinanggihang balikan ng kanyang ex? (Archie Liao)



Source link

Recommendations

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *