Switch Mode

350 pasiklaban sa IP Games


Nasa 350 mga katutubo mula sa iba’t-ibang tribu ng GenSan City-South Cotabato, at Sarangani ang magtatagisan ng husay sa Philippine Sports Commission Mindanao Indigenous Peoples Games sa Acharon Sports Complex.

Kumpiyansa ang mga miyembro ng bawat komunidad ng mga katutubo sa pagkuha ng accreditation sa tsansa ng kanilang mga pambato sa 10 sports na paligsaan ng dalawang araw na kaganapan ngayong Sabado at Linggo na ikatlo’t huli na sa taong itong IPG.

Ramrampa ang mga kalahok sa 10 tradisyunal na sports na gamti (pana), fire making, kasing (trumpo), skuya (takbo), kadang-kadang, kmahung (swimming relay), tug of war, bangkaw (spear throw), bayo sa palay at sudol.

Ganap na alas-7 ng umaga isasagawa ang pambungad na seremonya at parada ng mga delegasyon kung saan mangunguna ang host GenSan. Ang iba pang mga papalag ay ang mga munisipalidad ng Sarangani na Alabel, Glan, Kiamba, Maasim, Maitum, Malapatan, at Malungon.

Unang tatanggapin ni GenSan Indigenous Peoples Mandatory Rep. Lucio Cawayan Sr. ang mga kalahok bago ang pagbibigay inspirasyong mga talumpati nina PSC Commissioner Matthew Gasto, GenSan Mayor Lorelie Pacquaio at 8-time world men’s pro boxing champion Manny Pacquiao. (Lito Oredo)



Source link

Recommendations

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *