Switch Mode

Mga bangko naghigpit sa pautang


Naghigpit sa pautang ang mga bangko nitong third quarter at inaasahang mananati¬ling mahigpit sa pautang ang mga ito nga¬yong quarter.

Ayon sa Senior Bank Loan Officers Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naghihigpit ang mga bangko sa pagpapautang sa mga kompanya bilang pag-iingat para hindi malugi. Isa pang dahilan sa paghihigpit ay nag-aalangan din ang mga bangko sa pinansiyal na katayuan ng mga kompanya.

Ngayong fourth quarter, inaasahan ng BSP na patuloy pa ring maghihigpit ang mga bangko dahil inaasahan alangan pa rin ang mga ito sa kalagayan ng mga kompanya. Nakikinita rin ng mga bangko na maghihigpit ang mga regulasyon at iniingatan din nila ang kanilang sariling pananalapi kaya sila naghihigpit sa pautang sa mga kompanya.

Bahagyang naghigpit din ang mga bangko sa pautang sa mga households ngayong third quarter para panga¬lagaan ang kanilang kita at inaasa-hang mananatili ito nga¬yong quarter. ¬(Eileen Mencias)



Source link

Recommendations

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *