Switch Mode

AMLC dinikdik sa talamak na online sexual abuse


Iginiit ng grupong Gabriela ang kahalagahan na palakasin ang financial intelligence monitoring laban sa mga kaso ng online sexual exploitation of children (OSEC).

Kasunod ito sa naging hatol laban sa French animator na nag-uutos ng livestreamed rape sa mga kabataang Pilipino.

“The conviction of French animator Bouhalem Bouchiba for ordering the rape of Filipino children through livestreaming platforms is deeply disturbing and highlights the urgent need to strengthen our financial monitoring systems against OSEC,” giit ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas.

Hindi matanggap ng mambabatas na malaya umanong nakakagawa ng karumal-dumal na krimen ang French animator sa loob ng halos isang dekada sa pamamagitan ng money transfer na hindi natunugan ng mga awtoridad.

Kinalampag ni Brosas ang mahigpit na pagkilos ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang matunton ang mga kahina-hinalang financial transactions na konektado sa online sexual abuse ng mga kabataan.

“Ang problema sa AMLC, mga progresibong organisasyon ang tinatarget. Instead of red-tagging progressive organizations and freezing their accounts, the AMLC should focus on identifying money trails connected to OSAEC syndicates who exploit our children,” ayon kay Brosas.

Malaki ang pananagutan ng gobyerno rito dahil sa matagal na panahon, pinabayaan umano ang ganitong klaseng mga krimen na namayagpag sa bansa.

Bukod sa paghihigpit ng AMLC, mahalaga rin aniya na palakasin pa ang mga batas laban sa mga kasong may kinalaman sa OSEC at siguruhing naipatutupad talaga ng maayos ang Republic Act No. 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act. (Eralyn Prado)



Source link

Recommendations

‘You cannot separate economic cooperation from political security’ VIENTIANE – President Marcos yesterday challenged Chinese Premier Li Qiang over recent acts of intimidation by Chinese coast guard and naval vessels…

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *