Winner sa takilya ang “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo and Alden Richards.
Marami ang nagpa-block screening sa naturang pelikula kabilang na ang Eugenio Gojo Cruz Policarpio Memorial Foundation na sinimulan ng pamilya ni Engr. Rolly at Ma’am Jeanine Policarpio.
Sey ni Miss Jeanine ay parati silang nagsasagawa ng block screening bilang suporta na rin sa pelikulang Pilipino. Naglilikom din sila ng pondo para sa mga scholars na pinapaaral ng kanilang foundation.
“We choose ‘Hello, Love Again’ because of the moral lesson of the movie. Plus at the same time, para na rin sa mga empleyado namin para mag-enjoy sila,” deklara ni Ma’am Jeanine.
“We just want na ma-refresh ‘yung aming childhood, ‘yung aming youth, hindi puro building ang tinitingnan,” hirit naman ni Engr. Rolly ng Prompt Managers and Construction Services.
Gandang-ganda rin ang mag-asawa sa pelikula at sey nga ni Miss Jeanine, para raw adobo ang KathDen movie na perfect ang timpla.
“Kumpleto, tama ‘yung timpla, may matamis, may maalat, may maasim, nandu’n na lahat. Punong-puno ng learnings, and then, pagmamahal sa family, sa husband, sa friends and you will treasure kung ano ‘yung pinaghihirapan mo talaga,” bulalas pa ni Ma’am Jeanine.
Anuyway, mature na ang atake ng KathDen sa pelikula.Parang Christopher de Leon at Vilma Santos na may love scence na at halikan. Pareho ring magaling sina Alden at Kathryn sa movie na dinerek ni Cathy Garcia-Sampana.