Tinanggal na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang sinisingil na P100 certification fee para sa mga taong hindi kumikita o maliit ang kita na nag-a-apply ng certificate of exemption para sa mga scholarship at job o livelihood programs.
Sabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., tinanggal ito para maka-gaan sa mga aplikanteng nangangailangan ng scholarship at livelihood programs.
Aniya, makakapag-apply na ang mga tao para sa ganitong mga programa at scholarship nang walang binabayarang certification fee. May kapangyarihan ang BIR na mag-assess at mangolekta ng mga buwis, fees, at charges. Dahil may kapangyarihan itong magpataw ng fees, natural lamang na may awtoridad din itong tanggalin ang mga fees na sinisingil.
Inisyu ni Lumagui ang Revenue Memorandum Circular No. 127-2024 nitong Nobyembre 18, 2024. (Eileen Mencias)