Switch Mode

Martin Romualdez kay VP Sara Duterte: Esplika mo secret fund!


Hinamon ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Vice President Sara Duterte na dumalo sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability at manumpa na magsasabi ng totoo sa imbestigasyon kaugnay ng paggastos ng kanyang confidential funds.

Sa isang ambush interview nitong Huwebes, Nobyembre 21, natanong si Romualdez tungkol sa sinabi ni Duterte na ang pinakamabigat na hamon na kinakaharap nito ay kung paano matutulungan ang mga opisyal na ginigisa ng Kamara upang balikan siya.

“Eh ‘di dapat lang siyang sumipot at mag-oath at magsalita at mag-esplika dahil lahat ng mga opisyales niya… siya lang yata may alam kung anong nangyari d’yan sa mga pondo eh kaya dapat siya ang mag-esplika, ‘wag na niyang ibigay sa mga officials niya sa OVP at sa DepEd. Sana lang magsalita. `Yun na lang po,” sagot ni Romualdez.

Na-cite in contempt ng komite ang apat na opisyal ng Office of the Vice President (OVP), na mayroon umanong direktang alam kung paano ginastos ang confidential funds, dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig.

Iniimbestigahan ng komite ang umano’y iregularidad sa paggamit ng confidential funds ng OVP at Department of Education (DepEd) na umaabot umano sa kabuuang P612.5 milyon.

Samantala, para kay political analyst Ronald Llamas, nagpapatong-patong na ang suspetsa laban kay Duterte at sa mga opisyal ng OVP dahil sa patuloy na pag-iwas na harapin ang isyu sa confidential funds.

Sa panayam ng daily program na “Agenda” nina Korina Sanchez-Roxas at Pinky Webb sa Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Llamas na simple lang naman ang mga tanong sa pagdinig ng komite na kinukuwestiyon kung saan napunta ang pera at saan ginamit.

“Bakit umiiwas? Bakit tumatago? Siguro kaya dumadami ‘yung mga suspicion, dumadami ‘yung mga banat dahil hindi masagot nang maayos. Mismong si Vice President ayaw mag-take ng oath. Simple lang naman ‘yung oath eh… Kaya nagpapatong-patong ‘yung mga suspicions laban sa kanila. Mga simpleng tanong na simple rin ang sagot pero hindi pa masagot,” saad ni Llamas. (Billy Begas/Issa Santiago)



Source link

Recommendations

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. The news item cited as support for the claim refers not to Quiboloy,…

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *