Mayroon nang plano ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) para sa itatayo nilang Terminal 2 extension ng Ninoy Aquino International Airport kung saan tinatayang aabot sa 35 milyong pasahero ang kayang ma-accommodate nito kada taon.
Ngunit umapela ang NNIC sa gobyerno na resolbahin ang mga problema ng Philippine Village Hotel na malapit sa NAIA Terminal 2 para makapagtayo sila ng extension nito.
Ayon kay San Miguel Corporation (SMC) president at chief executive officer Ramon S. Ang, ginagawa na ng NNIC ang plano ng NAIA Terminal 2 extension.
Ang naturang terminal aniya ang kailangang paluwagin at kapag nangyari ito ay inaasahang 35 milyong pasahero kada taon ang kakayaning i-accommodate ng extension at baka tawagin pa ito bilang NAIA Terminal 5.
Pero kailangan aniya bilisan ng gobyerno na gibain ang Philippine Village Hotel para maitayo ang NAIA Terminal 2 extension.