Switch Mode

Anton Paulo Dominick Della nagmarka, gold sa swimming


Puerto Princesa – Nagtala si Anton Paulo Dominick Della ng unang rekord sa swimming sa siklab ng mga aksiyon sa 16th Batang Pinoy National Championships 2024 nitong Linggo sa Ramon Mitra Jr. Sports Complex swimming pool.

Sinandalan nang matangkad na 17-anyos na pambato ng San Fernando, La Union ang sakalam na tapos sa pagsukbit ng gold medal sa boys 16-17 200-meter individual medley. Tumiyempo siya ng 2:15.58 para tabunan ang 2:16:66 ni Peter Cyrus Dean na kinampay sa 2023 Manila BP.

Isa si Della sa dalawang nagpasiklab agad sa youth sportsfest na inoorganisa ng Philippine Sports Commission at mga pinapadrinuhan ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron, ng Pocari Sweat at Summit Mineral Water.

Ang isa pa ang nagmarka rin tungo sa athletics gold ay si sensational Masbate discus thrower Courtney Jewel Trangia, 17, na naghagis ng 38.30-meter para lampasan ang girls record niya noong idang taon na 37.17.

Gulantang si Della sa tagumpay, pero naninwalang mas mapababapa niya ang oras sa event.

“I really wanted to swim faster because I know what I am capable of,” anang tanker na may limang silver medal sa 64th Palarong Pambansa sa Cebu noong July.

“Just like basketball star Kobe Bryant said, ‘the job is not yet don,’ and I intend to win golds and break record in my home region,” hirit ni Della. (Elech Dawa)



Source link

Recommendations

Senator Lito Lapid (right) and former senators Vicente Sotto III and Panfilo Lacson filed their certificates of candidacy for senator at Manila Hotel Garden City on October 2, 2024. (Photo…

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *