Switch Mode

80,000 automated counting machines dumating na


Nasa 80,000 na ang dumating sa bansa mula sa 110,000 automated counting machines (ACM) na gagamitin para sa halalan sa susunod na taon, ayon sa pahayag ng Commission on Elections (Comelec).

Inanunsiyo ito ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa ceremonial turnover ng mga printing machine at printing ng test ballots na ginanap sa National Printing Office sa Quezon City nitong Sabado, Oktubre 26.

Inihatid na sa bodega ng Comelec sa Biñan, Laguna ang mga ACM, sabi ni Garcia.

Asahan naman, sabi pa ni Garcia, na matatapos ang printing ng 1.2 milyong test ballots sa susunod ng tatlong araw. Gagamitin ito para sa nationwide information campaign kaugnay sa tamang paggamit ng mga ACM.

Ayon sa Comelec, kumpleto na ang mga ACM na ginawa ng election service provider na Miru Systems sa South Korea.

Dagdag pa ng Comelec chief na inaasahan nilang sa katapusan ng Nobyembre ay kumpleto na ang mga ACM na pansamantalang ilalagak sa kanilang bodega sa Biñan. (PNA)



Source link

Recommendations

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *