Switch Mode

Clint Escamis, Mapua Cardinals asinta ang unang silya sa finals


Mga laro ngayon

(Cuneta Astrodome)

11 a.m. – *MU vs LPU

2:30 p.m. – *CSB vs SBU

* – may twice-to-beat

Ibabangga ng Mapua Cardinals sina reigning Most Valuable Player Clint Escamis at rookie sensation Chris Hubilla pagharap sa tigasing Lyceum Pirates sa siklab ng NCAA Season 100 Senior Men’s Basketball Tournament semis ngayong araw sa Cuneta Astrodome.

Aminado si Randy Alcantara na mapapalaban nang todo ang MU sa kapit-bahay sa Intramuros sa salpukang sasambulat sa alas-11:00 ng umaga.

“Everytime kalaban namin LPU, laging matindi labanan and ine-expect namin na mas matindi pa ang mangyayari sa Final Four,” saad ng MU coach na rumesbak noong Oct 29 (69-68) makaraang matambakan ng Pirates noong Sept. 24 (96-81).

Ayon kina Hubilla at Escamis, itotodo nila at mga kasama lakas upang makuha nila sa isang bigwasan lang ang Lyce at umbante sa finals.

“Bigay todo na dapat lahat, wala nang ititira bawat game,” ani Hubilla na ang team ay may twice-to-beat dahil sa pagiging topnotcher sa prelims na rito’y pumang-apat ang makakatuos, na pangungunahan nina John Ronald Barba at John Matthew Bravo.

Maghaharap naman sa pangalawang laro ang may twi-ce-to-bneat ding= Saint Benilde Blazers ar defending champions San Beda Red Lions sa alas-2:30 ng hapon. (Abante Tonite Sports)



Source link

Recommendations

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *