Switch Mode

DHSUD nilarga moratorium sa pabahay fee


Inatasan na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga key shelter agency nito na magpatupad ng moratorium sa housing amortizations upang pagaanin ang pasaning pinansiyal ng kanilang mga miyembrong apektado ng Bagyong Kristine.

Sa isang pahayag, sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na ang direktiba ay bilang pagsunod sa mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na ibigay ang lahat ng magagamit na tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Inatasan inatasan ni Acuzar ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund, ang National Housing Authority (NHA), Social Housing Finance Corporation (SHFC), at ang National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) na magpatupad ng moratorium na maaaring magbigay ng kaginhawaan sa mga biktima ng bagyo na may natitirang housing amortization.

“Ito po ay maliit na bagay kumpara sa sakripisyo at kawalan ng ating mga kababayang naging biktima ng bagyo. Sa pamamagitan nito, kahit papaano ay maiibsan ang kanilang mga pangamba,” saad ni Acuzar.

Samantala, nakikipagtulungan din ang DHSUD sa mga local government unit (LGU) na apektado ng bagyo para sa mabilis na pagproseso ng mga pamilyang maaaring maging kuwalipikado sa Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) ng kagawaran.

Ipinag-utos din ni Acuzar na i-activate ang lahat ng shelter clusters sa mga apektadong lugar upang matiyak ang maayos na validation ng listahan ng IDSAP mula sa mga LGU.

Sa ilalim ng IDSAP, ang DHSUD ay nagbibigay ng P30,000 unconditional cash assistance sa mga ganap na nasira ang mga bahay habang P10,000 naman para sa mga partially damaged. (Vincent Pagaduan)



Source link

Recommendations

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Senator Risa Hontiveros says the Bureau of Immigration will now have custody of…

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *