Switch Mode

[EDITORIAL] Psywar ni Duterte? Pft! Pasalamat tayo sa Saligang Batas


This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Sinalba tayo ng 1987 Konstitusyon na naglimita sa isang presidente sa 6 na taon

Itong si dating presidente Rodrigo Duterte, talagang he doesn’t disappoint. Pati International Criminal Court, gina-gaslight niya. “Hurry up before I die.” Subtext: “Ang bagal ninyo,” o di kaya’y “pati matandang mamamatay na, pinapatulan pa ninyo.”

AnimatEd, Editorial Cartoon, Duterte, Drug War,

Unfazed. ‘Yan ang mukhang gustong ipakita ni Duterte sa madla. Andoon pa rin ang old swagger, ang alaskador na Duterte.

Walang takot. That’s what he wants to project. In the end, the hearing only proved that Duterte is still performative — still a showman. 

Pero ang totoo, noong siya ang presidente, ginawa niya ang lahat upang pigilan ang ICC sa pag-iimbestiga. Kumalas ang Pilipinas sa membership sa ICC dahil sa kanya — bagay na pinaghirapan ng mga pinagpipitagang human rights defenders at mga diplomat. Umabot pa sa puntong pinagbantaan niya ang mga imbestigador ng ICC, at sasampalin daw niya si Special Rapporteur Agnes Callamard dahil sa panghihimasok.

‘Yan si Duterte — lahat ng larangan ay psywar sa kanya — bagay na tinangkang gayahin ng panganay na anak na si Vice President Sara Duterte pero tinimbang siya ngunit kulang.

Mabalik tayo sa psywar ni Duterte na nag-back-fire. Sabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi hahadlang ang Palasyo sa kagustuhan ni Duterte. Sabi rin ni Bersamin, obligado ang gobyernong mag-assist sa Interpol kapag hiningi nito ang tulong ng Marcos government. Ilang beses na rin bang humingi ng tulong ang Pilipinas sa Interpol nitong taon pa lang?

Psywar din ang basic script niya kay dating Senador Sonny Trillanes IV na nag-akusang may nag-deposit ng P2.4 billion sa bank account ni Duterte at VP Sara mula 2011 hanggang 2015. Hinamon siya ni Trillanes na pumirma ng waiver upang mabuksan ang kanyang account. At one point, inambaan din ni Duterte ng suntok si dating senadora Leila de Lima — ang senadorang ikinulong niya ng pitong taon on trumped-up charges — at umaktong babatuhin ng mikropono is Trillanes. 

Ano ang kapalit? Sampalin ko siya?” Sa ilang kataga, naipihit ni Duterte ang usapin sa pataasan ng ihi. Naging pa-machohan. (PANOORIN ang video dito.)

Pero ang nagpipilit na “mamamatay” na siya sa edad na 79 (for comparison, si presumptive US President Donald Trump ay 78), ay tumatakbong mayor ng kanyang home turf, ang Davao. At ayon sa political watchers, may tulog si Duterte sa kalaban — ang pamilya Nograles — who played the waiting game. Nag-abang sila at naghintay ng tamang timing hanggang sa nag-dapit-hapon ang kapangyarihan ng political clan na mortal nilang kalaban. 

At habang nanonood tayo sa antics ni Duterte, alalahanin natin ang mga biktima — tinatayang nasa 30,000 sila, mga kababayan: silang nameless, faceless victims na malapit nang kalimutan ng lipunan. Silang mga dukhang petty drug addict na hindi inalalayan ng gobyerno at nang umano’y napariwara’y ipinapatay sa lansangan. Marami sa kanila’y pobre at inosente tulad ni Kian delos Santos na naging numero lamang sa headcount ng reward system ni Duterte. (BASAHIN: As Duterte sparks fireworks in the House, a mother weeps)

Sa artikulo ng batikang peryodistang si Vergel Santos, kino-quote niya ang senior lecturer in Ethics and Public Policy sa Harvard na si Christopher Robichaud kung bakit nanalo si Trump. “Ang problema ay kultura. Tinalikuran na ng Amerika ang disente at magalang na pulitika at niyakap ang pulitika ng pag-iimbot, bengansiya, pekeng nostalgia, at bullying.” (The problem…is cultural. America, culturally, has abandoned a politics of decency and respect and has embraced a politics of resentment, revenge, false nostalgia, and bullying.)

Sa gitna ng pagkukumpara kay Duterte at Donald Trump isang bagay ang takeaway namin. Sinalba tayo ng 1987 Konstitusyon na naglimita sa isang presidente sa anim na taon.

Sabi ng proponents ng charter change, kaunti lang daw ang nagagawa ng isang presidente sa loob ng anim na taon. Mali. Tingnan na lang natin ang mga institusyong winasak ni Duterte, tulad ng propesyonalismo sa pulisya na marami ngayo’y mistulang guns-for-hire, ang pag-e-empower ng mga tiwali (remember Pharmally?), at nagpapasok pa ng mga undesirable tulad ni Michael Yang, na umano’y sangkot sa multi-country network ng Chinese na sindikato.

Kaya’t let’s not fix what ain’t broke. Malusog, matalino, at mayaman sa dunong ang Konstitusyon na pumigil sa pagbabalik ng mga strongman tulad ni Duterte, ‘di tulad ng Amerikang ang term limit ay dalawang termino na tig-apat na taon para sa isang presidente.

God bless America? Amen, dahil kailangan nila ‘yun. Pero sa maraming paraan, God already blessed the Philippines sa pamamagitan ng Saligang Batas. Count our blessings, and hold the line. – Rappler.com



Source link

Recommendations

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. The late mayor also served as chairman of the board of trustees of…

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *