Mga laro sa Miyerkoles, Nov. 27
(PhilSports Arena, Pasig)
5 p.m. – Converge vs Terrafirma
7:30 p.m. – Eastern vs Phoenix
Maaring sumabak na si Jordan Heading sa Converge kapag nakabakbakan ang Terrafirma pagsiklab ng 49th Philippine Basketball Association 2024-25 Commissioner’s Cup elims sa Miyerkoles (Nov. 27) sa PhilSports Arena sa Pasig.
Alas-5:00 ng hapon ang duelo ng FiberXers at Dyip kasunod ang banggaang Eastern Hongkong at Phoenix sa alas-7:30 ng gabi.
May mga ulat na pumirma na sa Converge ang No. 1 overall pick sa 2020 Gilas draft ng P2.4 million, 1-year contract nito lang isang araw.
Tatanggap ang 28-year-old, 6-foot-2 Fil-Aussie shooting guard ng maximum rookie salary ayon sa patakaran ng liga na P200K monthly.
Ang pangalawang taon ng kontrata ay nagsasaad ng 50% salary increase, pero depende pa ito sa magiging negosasyon ng dalawang kampo.
Kasama ni Headingsa lagdaan ng una niyang kontra sa liga ang kinatawang si Marvin Espiritu ng Espiritu Manotoc Basketball Management, sina Converge team governor Archen Cayabyab at alternate governor/team manager CK Daniolco.
Nito lang Nov. 12 sinungkit ng FiberXers ang rights kay Heading sa trade sa Terrafirma kapalit ng tatlong player. (Abante Tonite Sports)