Switch Mode

Marcos’ speech at the Alyansa Para sa Bagong Pilipinas convention


On Thursday, September 26, administration coalition Alyansa Para sa Bagong Pilipinas held a convention in line with the 2025 elections where President Ferdinand Marcos Jr. announced their Senate bets. This is his full speech as delivered at the event held at the Philippine International Convention Center in Pasay City.

Maraming salamat sa ating secretary na SAP, Secretary Anton Lagdameo. Magsi-upo po tayo.

Allow me to greet the distinguished guests that we have here today and members of the different parties, Senate President Chiz Escudero, the other honorable members of the Senate; House Speaker and Lakas-CMD president Ferdinand Martin Romualdez and the honorable members of the House of Representatives; the political party leaders of the Partido Federal ng Pilipinas, Governor Jun Tamayo; Nationalist People’s Coalition Secretary Mark Llandro Mendoza; Nacionalista Party Senator Mark Villar; National Unity Party Representative L-Ray Villafuerte Jr.; the honorable members of the Cabinet; fellow workers in government; distinguished guests; ladies and gentlemen, magandang umaga sa inyong lahat.

Hindi pangkaraniwan ang pagtitipon ngayon dahil ito ay pagkakataon para ipakita natin ang kahalagahan ng pagsasama-sama at ng pagkakaisa. 

Para sa kaunlaran. Para sa pagbabago. Para sa magandang kinabukasan nating lahat.

Ang sabi nila, ang halalan daw ay panahon ng:

Pagkakabitak-bitak…

Pagsisiraan…

Pagkakahati-hati.

Subalit kabaligtaran po ang inilulunsad ng ating Alyansa.

Sapagkat ito ay isang kilusang bayan:

Na magbubuklod sa pinakamalawak na puwersa ng mga nagmamahal sa Inang Bayan.

Na ikakampanya ang isang programang pangkaunlaran na walang naiiwanan.

Na pagsasamahin ang labingdalawang magigiting na Pilipino na may taglay na sipag at galing para maging pinuno.

Tangan ang prinsipyong makatao, maka-Diyos, makabansa.

Titindig para sa interes ng bayan, at sa kapakanan at karapatan ng bawat isang Pilipino.

Sa aking pag-endorso, ang tanging hiling ko ay mapanatili ang kanilang katapatan at pagmamahal sa bansa.

Ito ang pinakamahalagang katangian ng kandidato na aking tinitignan at pinag-iisipan.

Kaya naman, mga kababayan, ang mga sumusunod na indibidwal ay kilala natin sa kanilang kasanayan
at sa kanilang serbisyo publiko.

Ang una sa ating hanay matagal na naging alkalde ng progresibong lungsod ng Mandaluyong. Hinalal din siya bilang kongresista. At ngayon, siya ay ang maagap at mabisang Kalihim ng DILG. Mga kababayan, ang ating Mr. Gawa Hindi Salita, Secretary Benhur Abalos! 

Ang susunod naman ay sumabak din sa Kongreso. Wala sa polyeto ang pruweba ng kanyang kagalingan; nasa lungsod na mahusay niyang pinamamahalaan. Mga kababayan, Mayor Abby Binay! Hindi Pwede Ang Pwede Na, Dapat Better! 

Ang susunod naman po ay kinikilala po natin na kumpanyera. Siya rin po ay walang-pagod na kampanyera para sa kalusugan ng mamamayan, edukasyon, kabataan, karapatan ng mga kababaihan. She is a lawyer, an economist, athlete, and a mother. Senator Pia embodies what it means to be a Pinay in Action. Mga kababayan Senator Pia Cayetano! 

Ito naman ay isang officer and a gentleman na tapat at buong tapang na naglingkod ng lampas limang dekada sa taumbayan. Anuman ang kanyang sasabihin at gagawin, ito ay laging nakaangkla sa motto ng kanyang alma mater — Courage. Integrity. Loyalty.

Isa po siya sa tunay na nagsasabuhay sa mensahe ng aking SONA: Ang Tama ay Ipaglaban, Ang Mali ay Labanan. What is Right Must Be Kept Right, What is Wrong Must Be Set Right. Mga kababayan, senator Ping Lacson! 

Sanay ring mambabatas ang susunod sa ating lineup. Nahasa bilang bise-gobernador na ngayon ay nasa Senado. Naging gobernador din ng lalawigan niya ng Pampanga. Mga kababayan, ang Supremo ng Senado, Senator Lito Lapid! 

Ang susunod na tagapagtaguyod ng ating bandera ay siya na yatang pinakamatagal kong kakilala sa hanay na ito. Siya ay walang iba, kundi ang aking kapatid, ang aking ate, si Manang Imee.

Nasa dugo na po namin na manilbihan sa kapwa at ang pagmamahal sa bansa. Naging kongresista, gobernador, at senador. Sabi rin nila prangka daw siya. Pero ito ay pagiging prangka sa pagsabi ng totoo at ang pagkikiling sa tama.

Sa kanya sigurado ang kanyang ImeeSolusyon. Mga kababayan, kasama din po natin si Senator Imee Marcos na naunahan na ang mga ibang senador at busy na na nagkakampanya at hindi makarating ngayong araw na ito.

Tanyag hindi lang sa ating bansa, kung hindi sa buong mundo, ang susunod natin ay ang ating Pambansang Kamao na nagpamalas ng galing bilang mambabatas. Mga kababayan, ang Ninong ng Bayan, senator Manny Pacquiao! 

Kilala naman sa marami niyang ginagampanang papel sa iba’t ibang larangan pero ang pinakamahalaga ay ang pagiging lingkod-bayan: bise-gobernador. Gobernador. Pinuno ng ahensya ng gobyerno. Senador. Talaga namang action star sa pelikula, action din sa tunay na buhay. Mga kababayan, Senator Bong Revilla! 

Ang ating susunod ay nakapaglingkod ng 24 na taon bilang senador; kasama natin sa paglalakbay tungo sa maaliwalas na bukas. Mga kababayan, hindi na po nangangailangan ng introduction, ang dating Senate president Tito Sotto! Maaasahan ng Pamilyang Pilipino. 


FULL TEXT: Marcos’ speech at the Alyansa Para sa Bagong Pilipinas convention

Ito naman ang big brother na iyong masasandalan. Naging mayor ng Tagaytay, puno ng MMDA,
ay ngayon naman ay senador. Mga kababayan, Senate Majority Leader Francis “Utol” Tolentino! ‘Tol ng Bawat Pilipino! 

Ang susunod kong ipapakilala sa inyo ay isang public servant na noon ay madalas kong masabihan na ama ng saklolo kasi ang unang bukambibig ng mamamayan ay “i-Tulfo mo.” Nanilbihan bilang kalihim ng DSWD na ngayon naman ay miyembro ng Kongreso. Mga kababayan, Congressman Erwin Tulfo! Kakampi ng Inaapi! 

Ngayon, ang aking ika-12 sa hanay ng nagpamalas ng husay sa pamumuno hindi lamang sa pamahalaan, kundi pati sa mga kumpanyang nagbibigay serbisyo sa ating publiko. Mga kababayan, Deputy Speaker Camille Villar, Ang Bagong Boses Para sa Bagong Bukas! 

‘Ika nga, may kanya-kanya tayong abilidad para mapabuti ang ating bansa.

Ngunit, kung tayo ay sama-sama, nagbubuklod, mas mapapadaling matupad ang ating mga adhikain para sa isang mas magandang bukas.

Nasabi ko na rin dati na marami tayong sanay at hasa sa serbisyo-publiko. Hindi na po ito bago sa atin.

Walo po sa ating hanay ay beterano na Senador: Cayetano, Lacson, Lapid, Marcos, Pacquiao, Revilla, Sotto, at Tolentino. 

Pito ang may karanasan sa Kongreso: Abalos, Binay, Cayetano, Marcos, Pacquiao, Tulfo, at Villar.

Lima ang nahasa sa lokal na pamahalaan: Si Imee sa  Ilocos Norte. Lapid sa Pampanga. Revilla, Cavite. Binay sa Makati. Tolentino ng Tagaytay. Tito Sen bilang Vice Mayor ng Quezon City.

Apat din sa kanila ay nagsilbi bilang miyembro ng Gabinete: Abalos sa DILG. Tulfo sa DSWD. Lacson ng Yolanda Rehabilitation Commission. Tolentino sa MMDA.

Pagdating naman sa geographical representation, dalawa ang taga-Mindanao: Pacquiao ng Bukidnon, Sarangani at GenSan. At si Erwin naman ay lumaki sa Davao Oriental at sa Sulu.

Bukod pa roon, ang unang Vicente Sotto ay naging senador ay taga-Cebu. Ang nanay naman namin ni Imee ay 100% Waray.

At ang tatlong malalaking rehiyon ng Gitnang Luzon, Kamaynilaan, at Timog Katagalugan ay may boses sa ating koponan.

Mga kababayan: Sila po ang lineup ng Alyansa. 

Sa kanilang kalidad at karanasan mataas ang aking kumpyansa na sila ay ating magiging katuwang sa ating pagsulong at sa patuloy na  pag-unlad ng ating bansa.

Atin po sila ay samahan at suportahan.

Mabuhay po kayo. Mabuhay ang ating line-up. Mabuhay ang Bagong Pilipinas. – Rappler.com



Source link

Recommendations

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *