Switch Mode

Marvin Villenueva sumagwan, Sealions isinubsob ang DHTSI


STANDING

TEAMS W L

Savouge 3 0

DNSU FEU 2 0

PGJC Navy 1 0

Criss Cross 1 1

Cignal 1 1

D’Navigators 1 1

VNS 1 2

Ecooil La Salle 0 0

Martelli Meats 0 2

Chichi DHTSI 0 4

Mga laro laro sa Linggo

(Ynares Sports Arena-Pasig)

2 p.m. – Martelli Meats vs Ecooil La Salle

4 p.m. – PGJC Navy vs DNS FEU

6 p.m. – Criss Cross vs D’Navigators Iloilo

Humambalos si i Marvin Villanueva ang 19 points upang akbayan sa maangas na simula ang PGJC-Navy, sinubsob ang Chichi DHTSI 25-20, 25-17, 25-15 sa 7th Spikers’ Turf Invitational Conference eliminations nitong Biyernes ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Tinapik ni Sealions coach Mike Santos ang serbisyo ni Villanueva dahil sa pagliban ng kanyang pambato na si Joeven Dela Vega sa paliga ng Sports Vision Management Group Inc. na mga sinusuportahan ng ArenaPlus, Mikasa, at Alpha Insurance & Surety Company.

Kinamada ni 5-foot-11 wing spiker Villanueva ang produksiyon sa 14-of-23 spkies, 3 service aces at 2 blocks para hiranging Best Player of the Game.

“Practice pays off. Sa practice maganda ang pinapakita niya. Sabi ko tuloy mo lang, huwag kang ma-pressure,” saad ni Santos kay Villanueva.

Bumakas sina Open Conference 2024 Best Outside Spiker Greg Dolor at Best Middle Blocker Peter Quiel ng 12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod. Kumana pa si Marvin Hairami ng 14 excellent sets.

Giniyahan ng anim na puntos ni Rafael Del Pilar ang Brotherhood Titans na inaalat pa rin sa apat na salang sa 10-team men’s volleyfest.

Kinagabihan, sinilat ng Savouge (3-0) ang patok na Cignal (1-1), 19-25, 27-25, 19-25, 25-23, 15-13, para solohin ang tuktok sa likod ng 19 pts. ni Sherwin Caritativo. (Elech Dawa)



Source link

Recommendations

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *