Switch Mode

Mga opisyal ng barangay puwedeng mangampanya


Ipinahayag ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring makilahok ang mga opisyal ng barangay sa kampanya para sa 2025 midterm elections.

Ngunit nilinaw ng komisyon na may pananagutan ang mga ito sa Department of the Interior and Local Government (DILG) kapag nakagawa ng mga pagkakamali.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nakasaad sa 2010 ruling ng Supreme Court (SC) na pinapayagan ang mga opisyal ng barangay na makilahok sa pangangampanya ngunit kailangang sumunod sila sa mga alituntunin.

“Sa Quintos vs. Comelec… sabi ng SC, they are political. Magagamit sila ng ibang politiko. Pero tandaan natin na ang barangay officials, puwede ma-disciplinary action pa din. Maaaring hindi siya election offense pero may ibang batas mag-govern sa kanila,” sabi ni Garcia

Ang tinutukoy na batas ng Comelec chief ay ang Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991.

Batay sa SC ruling, ang “political partisanship is the inevitable essence of a political office, elective positions included.”

Nakasaad sa desisyon ng SC na hindi saklaw ang mga elected official sa pagbabawal sa mga opisyal at kawani ng serbisyo sibil na makilahok sa partisan political campaigning.

Magsisimula ang campaign period para sa mga kandidato sa national positions (senador at party-list groups) sa Pebrero 11, 2025 at matatapos ang pangangampanya sa Mayo 10, 2025.

Ang iba pang mga kandidato sa lokal na eleksiyon ay magsisimulang mangampanya sa Marso 28, 2025 hanggang May 10, 2025. (PNA)



Source link

Recommendations

#WalangPasok: Class suspensions, Tuesday, October 29, 2024 Listen to this article Already have Rappler+? Sign in to listen to groundbreaking journalism. This is AI generated summarization, which may have errors….

Inekisan ni Russell Westbrook ang 200th triple-double ng career para ihatid ang Denver Nuggets sa 122-110 panalo laban sa Memphis Grizzlies sa 79th National Basketball Association regular season nitong Martes…

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *