Switch Mode

Russell Westbrook itinatak ang ika-200 triple-double


Inekisan ni Russell Westbrook ang 200th triple-double ng career para ihatid ang Denver Nuggets sa 122-110 panalo laban sa Memphis Grizzlies sa 79th National Basketball Association regular season nitong Martes ng gabi.

Kinailangan ng 36-year-old ang buong 32 minutes sa loob para tumapos ng 12 points, 10 rebounds, 14 assists sa FedEx Forum.

May 1:28 pa sa laro at kulang pa si Westbrook ng isang rebound, kinalawit niya ang offensive board sa mintis na 3 ni center Dario Saric.

Hinigpitan niya ang kapit sa unahan ng career triple-double list ng NBA, mas marami siya ng 19 kumpara sa pumapangalawang si Oscar Robertson at 62 kay third-placer Magic Johnson. Pang-apat si Jokic (136), kasunod si LeBron James (117).

Nakadikit pa sa limang puntos ang Grizzlies (8-7) 27 seconds sa orasan, ibinaon ni Saric ang pangalawa niyang tres para ilayo 118-110.

Kaysa sa mintis na 3 para makuha ang rebound at makumpleto ang triple-D, mas binigyang-pansin ni Westbrook ang pamatay na tres ni Saric.

“I thank him for making the next one to close the game, which is the most important,” aniya.

Out sa ikatlong sunod na laro si Nikola Jokic (personal), binitbit ng 27 points, 6 assists ni Jamal Murray ang Denver 8-5). May 24 points, 11 rebounds si Michael Porter Jr., 19 markers kay Christian Braun at 15 pa kay Peyton Watson.

Bigong isalba ng career high-tying 28 points ni Santi Aldama at 19 points, 8 rebounds, 5 blocks ni Jaren Jackson ang Memphis. (Vladi Eduarte)



Source link

Recommendations

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *