Switch Mode

Senate Blue Ribbon bitin sa tokhang reward


Nakulangan si Laguna Rep. Dan Fernandez sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon subcommittee kaugnay sa nabunyag na reward system sa giyera kontra droga ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

“Ang isang bagay lamang na wala tayong nakuha doon sa Senado ay `yung pagbabayad nung pera doon sa mga pumatay na pulis… `yun basically ang nawawala,” ayon kay Fernandez sa programang “Kwatro Kantos” sa Bilyonaryo News Channel.

Bukod sa reward system, kuntento naman na si Fernandez sa mga naganap na imbestigasyon sa Senado.

Matatandaang kamakailan lang ay humarap na si Duterte sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee.

Unang nabunyag sa pagdinig ng House Quad Committee ang reward system sa tokhang kung saan umaabot umano sa P1 milyon ang pabuya sa mga pulis na nakapatay ng drug suspect.



Source link

Recommendations

MANILA, Philippines — A minor eruption occurred at Taal Volcano on Saturday, October 5, as reported by state bureau PHIVOLCS. The eruption, which lasted for four minutes, began at 11:32…

Dominique Nicole Flores – Philstar.com September 19, 2024 | 6:58pm MANILA, Philippines — A House lawmaker on Wednesday, September 18, floated the idea of repurposing hubs of Philippine Offshore Gaming…

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *