Switch Mode

`VP Sara Duterte hindi joke ang pumatay’


Lumalakas ang panawagan mula sa Kongreso na dapat imbestigahan at mapanagot si Vice President Sara Duterte kaugnay ng pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores kung ang isang tao na nag-bomb joke ay nakukulong mas dapat umanong may kaparusahan sa pagbabanta sa buhay ng pinakamataas na lider ng bansa.

“Kung ang simpleng bomb joke nga ay nagiging dahilan para arestuhin at ikulong ang isang tao, paano pa kaya ang pagbabanta ng kamatayan laban sa ating Pangulo? Death threats, especially directed at the President, should never be taken lightly,” punto ni Flores.

Iginiit ni Flores ang kahalagahan na masusing imbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang mga pananagutan ni Duterte sa pagbabanta nito sa buhay ng Pangulo.

Sinabi ng mambabatas na noong Agosto 2024, isang senior citizen ang hindi na pinasakay ng eroplano at ikinulong pa dahil sa bomb joke sa airport.

“In that case, ang simple at biro lamang na bomb joke ay agad na inaksyunan. Ano pa kaya itong banta laban sa ating Pangulo? We urge the DOJ to look into possible criminal liability against Vice President Duterte,” giit ni Flores.

Sa kanyang online press briefing noong Sabado, Nobyembre 23, sinabi ni Duterte na mayroon siyang kinausap upang patayin sina Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinatay.

“Death threats are a serious matter. Hindi ito dapat isantabi o balewalain. The vice president’s words were not only reckless but also dangerous. They undermine our democracy and the rule of law,” sabi ni Flores.

Aniya, mayroong batas sa Pilipinas na itinuturing na criminal offense ang pagbabantay sa buhay ng isang tao.

Hinamon din ng mambabatas si Duterte na harapin ang parusa sa kanyang mga naging aksyon.

“Ang pananagutan ay hindi lang para sa mga ordinaryong Pilipino. Kung ang isang senior citizen na nagbiro ng bomba ay agad na dinampot, dapat ay hindi exempted ang kahit sino, kahit pa ang bise presidente,” sabi ni Flores.

Ang pagiging ikalawang pinakamataas na lider ng bansa umano ni Duterte ay nagbigay ng bigat sa kanyang banta.

“As a public official, lalo na bilang bise presidente, she has a responsibility to uphold peace and order. Her words have weight, and her actions should set an example,” dagdag pa ni Flores. “Kapag pinabayaan natin ang ganitong asal, it weakens the trust of the people in our institutions. We cannot let this slide.”

Sang-ayon din si Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. na mapanagot ang Bise Presidente.

“The gravity of these statements cannot be overstated. A kill-order on the President is not only a heinous crime but also a betrayal of the highest order — one that shakes the very foundation of our democratic institutions,” ani Gonzales.

Giit ng mambabatas, dapat malaman ng taumbayan ang buong katotohanan sa inamin ni Duterte na assassination plot laban sa Pangulo. (Billy Begas)



Source link

Recommendations

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *